[ad_1]
Walang Filipino na kasama sa China Eastern jet na may sakay na 132 pasahero at bumagsak sa isang kabundukan sa Southern China, ayon sa Philippine Consul General to Beijing.
Sa panayam ng GTV’s dzBB Super Radyo nitong Martes, sinabi ni Philippine Consul General to Beijing Dinno Oblena, na kinumpirma ng mga awtoridad sa China na pawang mga Chinese nationals ang sakay ng Boeing 737-800.
Lumipad mula sa western city ng Kunming ang eroplano at papunta sa Guangzhou noong Lunes nang mangyari ang trahediya.
“Sa kasalukuyan po, patuloy ang investigation at operations ng authority ng Guanzhou province kung saan nangyari yung tragedy,” ayon kay Oblena.
“Nakikipag-ugnayan din naman po ang konsulada sa Guanzhou, local authorities sa probinsya at na-confirm na walang foreigner at wala po tayong mga kababayan na among don sa listahan ng passengers ng nasawing eroplano,” patuloy niya.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga kaanak ng mga nasawing pasahero. Posible umanong pansamantalang ipatigil ng China ang paglipad ng mga 737 habang isinasagawa ang imbestigasyon, ayon kay Oblena.
Dahil sa naturang insidente, naputol ang record ng China na 4,227 safe flight days sa kanilang civil aviation history.
Ang naturang insidente ang posibleng maging deadliest crash sa China sa nakalipas na tatlong dekada.—FRJ, GMA News
[ad_2]
Source link
Contact Us For Promotions, Biography Submission, Edit Or Takedown Of An Article.
